Muling naluklok si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President Pro Tempore matapos siyang mahalal sa naturang posisyon sa isinagawang reorganisasyon ng Senado ngayong Miyerkules, Hunyo 17.

Nominado si Sotto ni Senador Panfilo Lacson para sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa Senado na agad namang sinuportahan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.
Pinalitan ni Sotto si Senador Sherwin Gatchalian na pansamantalang humawak sa posisyon matapos ang naunang reorganisasyon sa Mataas na Kapulungan noong Hunyo 3.

Bago ang mga pagbabago sa liderato ng Senado, si Senador Loren Legarda ang nagsilbing Senate President Pro Tempore.
Kasunod ng kaniyang pagkakahalal, opisyal na nanumpa si Sotto bilang Senate President Pro Tempore sa harap ni Senate President Sherwin Gatchalian.