Natapos na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta at pagberipika ng mga balotang gagamitin sa kauna-unahang regular na Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakda sa Setyembre 14, 2026.

Ayon sa COMELEC, nakumpleto noong Hulyo 26 ang ballot printing at verification sa National Printing Office sa Quezon City, bilang isa sa pinakamahalagang yugto ng paghahanda para sa nalalapit na halalan sa Bangsamoro.

Sa kabuuan, 2,393,202 balota ang naimprenta para sa buong rehiyon. Kabilang dito ang 248,245 para sa Basilan, 727,546 para sa Lanao del Sur, 550,436 para sa Maguindanao del Norte, 469,114 para sa Maguindanao del Sur, 133,673 para sa Special Geographic Area, at 264,188 para sa Tawi-Tawi.

Sinabi ng COMELEC na isinagawa ang buong proseso ng pag-imprenta at pagberipika nang may transparency, kung saan isinahimpapawid ito sa pamamagitan ng livestream. Maaari ring mapanood ng publiko ang recorded playback sa opisyal na Facebook at YouTube pages ng komisyon.

Samantala, nakatakdang magsimula sa Hulyo 30 ang campaign period para sa mga kandidato sa Bangsamoro Parliamentary Elections bilang paghahanda sa halalan na gaganapin sa Setyembre 14.