Nanawagan ang may-ari ng mga baboy na nawala matapos tumaob ang sinasakyang truck sa Barangay Pat-pat, Malaybalay City kahapon Lunes, na boluntaryong isauli ang mga hayop na nakuha matapos ang insidente.

Batay sa mga ulat, ilang baboy ang nakawala nang mangyari ang aksidente, habang may mga indibidwal umano na kumuha sa ilan sa mga ito matapos ang pagkatapon sa kalsada.

Umaapela ang may-ari sa katapatan at malasakit ng publiko upang maibalik ang mga nawawalang baboy at mabawasan ang pinsalang dulot ng insidente.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng nangyaring aksidente.