Mainit na tinanggap ng mga lider at residente ng Barangay Tamontaka 4 sa Cotabato City si BFP Candidate for Cotabato City Third Parliamentary District Representative Dr. Tomanda Antok at nagpahayag ng pakikiisa sa kanyang mga layunin at adbokasiya para sa mga Bangsamoro.
Pinangunahan ni Barangay Tamontaka 4 Chairman Thong L. Gayak, kasama ang mga kagawad ng barangay, ang naging talakayan hinggil sa mga pangangailangan, suliranin at hangarin ng kanilang komunidad.
Tinalakay sa pagpupulong ang kahalagahan ng mga programang may direktang epekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga residente, gayundin ang mga hakbang na maaaring makatulong sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.
Binigyang-diin din ng mga lider ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga opisyal at mamamayan upang mas madaling matukoy ang mga isyung nangangailangan ng pansin at agarang aksyon.
Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng grupo ni Antok sa mga komunidad upang pakinggan ang kanilang mga saloobin at maunawaan ang kanilang mga prayoridad bilang bahagi ng kanyang pangangampanya para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections.

















