Inendorso ng Barangay Mother Bagua sa Cotabato City, sa pangunguna ni Kapitana Lily Ayunan Pasawiran, si 4 Bangsamoro Federalist Party o 4BFP candidate for Second Parliamentary District Atty. Naguib Sinarimbo, kasama ang mga sectoral candidates ng partido.

Ginawa ang pag-endorso sa isinagawang pulong-pulong ng Team MP Sinarimbo kahapon, Agosto 21, na dinaluhan ng mga residente at mga lider ng purok.

Kabilang din sa mga dumalo sina Ulama Sector nominee Ustadz Marhan Borhan at Women Sector nominee Jehan Usop.

Ayon kay Kapitana Pasawiran, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Sinarimbo na magtaguyod ng mga pangmatagalang solusyon at mapabuti ang pamahalaan para sa mga mamamayan.

Nagpasalamat naman ang Team Sinarimbo sa suporta at tiwalang ipinakita ng Mother Bagua Barangay Local Government Unit at mga residente sa kanilang partido at mga kandidato.