Nananawagan ang 13 United Bangsamoro Justice Party o UBJP ng patas na distribusyon ng resources ng BARMM sa mga lalawigan at komunidad sa rehiyon.

Sa isinagawang debate kahapon August 28, sa Cotabato City sinabi ni 13 UBJP Party Nominee at kinatawan na si MP Atty. Sha Elijah Dumama-Alba na kailangang matiyak na nakikinabang sa pag-unlad ang lahat ng mamamayan, anuman ang kanilang lugar o lalawigang kinabibilangan.

Ayon kay MP Atty. Alba, dapat tukuyin ang mga lugar na may malalaking kakulangan sa serbisyo at development upang doon maituro ang mga kinakailangang programa at pondo.

Hindi rin aniya dapat pare-pareho ang alokasyon sa bawat lalawigan, dahil kailangang isaalang-alang ang kanilang magkakaibang pangangailangan, kondisyon at kakulangan.

Partikular na binanggit ni MP Atty. Alba ang mga island province na nangangailangan ng mga programang naaayon sa kanilang sitwasyon at lokasyon.

Aniya, sa ganitong paraan, masisiguro na mas maraming komunidad ang makikinabang sa mga proyekto at resources ng BARMM.