Naglunsad ng coastal clean-up drive ang MAFAR at LGU Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 63rd National at 7th BARMM Fish Conservation Week.

Kasama sa mga naglunsad ng aktibidad ang Office of the BTA Deputy Floor Leader MP Atty. Suharto M. Ambolodto MNSA, noong Lunes Setyembre 21 sa Barangay Tapian.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng barangay, government agencies, academe, fisherfolk organizations at mga residente ng lugar.

Ayon kay MAFAR Municipal Officer for Datu Odin Sinsuat Fahmi U. Acob, layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis at malusog ang mga aquatic ecosystem at mahikayat ang komunidad na pangalagaan ang mga yamang pangisdaan.

Nagtapos ang aktibidad sa paglilinis ng baybayin ng Barangay Tapian, na sinundan ng question-and-answer portion, awarding at community lunch.