Patay ang isang Morong pulis at ang kabiyak nito matapos na barilin ito sa kanilang pamamahay sa Tierra Villas L&B sa Alabang, lungsod ng Muntinlupa sa kalakhang maynila.

Kinilala ang biktima na si PCPT Aminoden Mangoday alyas Dino at si Misis Mangoday. Samantala, ang kanila namang dose (12) anyos na anak ay sugatan naman sa insidente.

Si PCPT Mangoday na pumasok sa PNP ay parte ng Sinaglahi Class ng taong 2007.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, kinukundena nito ang pagkakapaslang sa morong pulis na si Mangoday at ng kabiyak nito at ikinasugat ng kanyang babaeng anak.

Nangako naman ang alkalde ng agarang imbestigasyon at sila ay walang sasantuhing mga indibidual na sangkot sa naturang pamamaslang.