Sinimulan na ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pagpapalabas ng buwanang allowance ng 362 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakatalaga sa Joint Peace and Security Teams (JPSTs) sa Mindanao nitong kahapon, Oktubre 28.

Nasa 24 na JPST stations nakatalaga ang mga miyembro ng MILF, na tumatanggap ng humigit-kumulang P17,850 na allowance kada buwan, depende sa bilang ng araw sa bawat buwan.

Ayon sa OPAPRU, matatanggap naman ng mga miyembro ang natitirang allowance para sa 2026 sa Nobyembre at Disyembre, alinsunod sa proseso ng liquidation at accounting ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Peace Adviser at concurrent chairperson ng Government Peace Implementing Panel na si Mel Senen S. Sarmiento na bahagi ito ng pagtupad ng pamahalaan sa mga pangako nito sa proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.

Ang JPST ay binubuo ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at MILF-Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF).

Nagsisilbi itong pinagsanib na puwersang pangseguridad sa mga lugar na saklaw ng proseso ng normalization sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.