Inilipat sa Nobyembre 7, 2026 ang nakatakdang power interruption na orihinal na itinakda sa Oktubre 31 sa Cotabato City, ilang bahagi ng Cotabato Province, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Special Geographic Areas ng BARMM.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), isinagawa ang pagbabago ng iskedyul kasunod ng kahilingan ng Ministry of the Interior and Local Government ng BARMM upang suportahan ang pagsasagawa ng unang inaugural session ng Bangsamoro Parliament.
Mananatili namang pareho ang tagal ng pagkawala ng kuryente at ang mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga maaapektuhang distribution utilities ang Cotabato Light and Power Company (CLPC), COTELCO-PPALMA at MAGELCO, partikular sa Capiton at Simuay Substations.

















