Kinilala ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang matagumpay at pangkalahatang mapayapang pagsasagawa ng unang sesyon ng Bangsamoro Parliament.
Ayon sa CCPO, naging posible ang maayos na aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan at mahigpit na koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya at stakeholders.
Nagpaabot din ng pagbati ang CCPO sa kanilang mga tauhan dahil sa ipinakitang dedikasyon, disiplina at propesyonalismo sa pagtupad ng tungkuling tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Binigyang-diin ng tanggapan na mahalaga ang pagkakaisa, kahandaan at sama-samang responsibilidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Cotabato City.

















