Itinalaga si Lieutenant Junior Grade Keisha Laine A. Tan, PCG bilang bagong Acting Station Commander ng Coast Guard Station Maguindanao.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, magpapatuloy ang mga operasyon ng himpilan at mga substation nito para sa kaligtasan at seguridad sa karagatan, pangangalaga sa kapaligirang pandagat, pagpapatupad ng batas, at pagsasagawa ng search and rescue operations sa kanilang nasasakupan.

Tiniyak naman ng Coast Guard Station Maguindanao na mananatili ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo sa publiko, gayundin ang pagpapanatili ng propesyonalismo at disiplina sa bawat operasyon.