Isinagawa ang isang peace settlement sa pagitan nina Junior Mamantal, Brigade Commander ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, at Bangkaling Laguiab, Brigade Commander ng 106th Base Command, sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur, noong Nobyembre 12, 2026.

Ginanap ang pagpupulong sa Municipal Hall ng bayan, na dinaluhan nina 38th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Mark Anthony P. Tornalejo at Datu Salibo Mayor Khominie B. Sandigan.

Layunin ng nasabing pagpupulong na magkaroon ng pag-uusap at pagkakasundo ang dalawang panig kaugnay ng kanilang sigalot, sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

Ayon sa 38th Infantry Battalion, magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lokal na pamahalaan at iba pang sektor kaugnay ng mga hakbang para sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa lugar.