Kasalukuyang nakararanas ng pag-ulan ang Cotabato City ngayong hapon ng Huwebes, Nobyembre 19, kasabay ng epekto ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa buong rehiyon ng Bangsamoro.

Batay sa weather advisory, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makakaranas ng malakas na pag-ulan o thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na madaling bahain at magkaroon ng pagguho ng lupa.