Kulungan ang kinabagsakan ng taong pinaghahanap ng otoridad matapos itong maaresto ng CIDG RFU BAR Lanao Sur PFU unit sa Barangay Mimbalawag, Calanogas, Lanao Sur.

Kinilala ang nahuli na si Satar Imam, 30 at isang magsasaka na nakatira sa nabanggit na lugar na naaresto sa bisa ng arrest warrant sa kasong pagpatay na walang piansang nairekomenda.

Matatandaan na noong Oktubre 2023, nasangkot si Imam sa pamamaril ng isang manininda ng durian sa nabanggit na bayan kung saan napatay niya ito.

Sa ngayon, pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG RFU BAR Lanao Del Sur PFU Office ang suspek para mapanagot sa kinasangkutan nito.