Huli sa magkasanib na operasyon ng CIDG PFU TAWI-TAWI at mga katuwang nitong mga otoridad ang itinuturing na TOP 10 most wanted personality sa isla ng Tawi-Tawi partikular na sa bayan ng Simunul.

Murder at dalawang bilang ng attempted murder ang kakaharapin ng di na ipinakilalang suspek na ipinagsakdal pa nito taong 2005 at walang piansa sa kasong murder at P120,000 pesos naman na piyansa kada bilang para naman sa tangkang pagpatay.

Dinala na sa CIDG Tawi Tawi ang nasabing suspek upang ipagharap nito ang kanyang kasalanan na nagawa.