Sugatan ang isang bata matapos na ma hit and run ng isang sasakyan sa Barangay Topland sa lungsod ng Koronadal.

Batay sa impormasyon ng mga otoridad, tumakas papuntang bayan ng Tampakan ang nakabangga sa bata ngunit nahuli agad ito ng mga otoridad.

Kaagad naman na sumaklolo ang mga nakakita sa biktima para malapatan ito ng paunang lunas matapos masugatan sa insidente.

Dinala agad ng mga ito sa ospital ang bata at nasa ligtas ng kalagayan habang nasa kalaboso naman ang driver ng nasabing sasakyan.