Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) na drug-cleared ang isang barangay sa Datu Montawal, Maguindanao del Sur, kasabay ng pagpapanatili ng drug-cleared status ng 36 pang barangay at beripikasyon sa 10 drug-free barangay sa lalawigan.

Unanimously inaprubahan ng komite ang mga nasabing resolusyon sa isinagawang pagpupulong kahapon, Nobyembre 10, 2026, sa pangunguna ni Regional Director George Paul P. Alcovindas.

Isinagawa ang deliberasyon sa pamamagitan ng hybrid meeting upang makalahok ang mga miyembro ng komite at kinatawan ng mga katuwang na ahensya, kapwa sa personal at sa pamamagitan ng Zoom.

Nakasailalim sa pagsusuri ang mga barangay alinsunod sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 4, Series of 2021, na nagtatakda ng mga pamantayan para sa deklarasyon ng isang barangay bilang drug-cleared.

Kabilang sa mga lumahok sa deliberasyon ang mga kinatawan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), Philippine National Police-Bangsamoro Autonomous Region (PNP-BAR), Ministry of Health (MOH), at mga Provincial Local Government Unit (PLGU).

Samantala, nagmula sa mga bayan ng Mamasapano, Sultan sa Barongis, Talayan, South Upi, Datu Hoffer, Ampatuan at Datu Paglas ang 10 barangay na sumailalim sa beripikasyon bilang drug-free.