Arestado ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PRO-BAR ang 29 na wanted persons, kabilang ang tatlong Regional Most Wanted Persons, sa pinaigting na operasyon kontra kriminalidad noong Nobyembre 7 hanggang 8, 2026.

Bukod dito, walong iba pang indibidwal ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga, sugal at smuggling.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P12,580, mga ipinuslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P85,568 at walong loose firearms o mga baril na walang kaukulang dokumento.

Ayon sa PRO-BAR, bahagi ito ng patuloy na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad at mga ilegal na aktibidad sa rehiyong Bangsamoro.