Isang sunog ang naganap sa Purok Kabuntalan, Poblacion 7 sa lungsod ng Cotabato, alas 11:00 ng umaga, kahapon ng Miyerkules.

Pahirapan na makapasok ang mga alagad ng pamatay sunog dahil sa kitid ng daan at mabilis na kumalat ang apoy sa dikit-dikit na mga bahay sa lugar.

Wala naman naiulat na nasaktan ngunit malaki na pinsala naman ang inabot ng mga kabahayan sa lugar.

Samantala, nagsagawa kaagad ng RDANA o Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ang City Disaster Risk and Reduction Management ng lungsod para madetermina ang kakailanganing tulong ng mga pamilyang nasunugan.

Una na ring nagbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan maging ang Project Tabang ng BARMM Government sa mga nasunugang pamilya.