Di na umabot na buhay sa pagamutan ang isang drug suspek matapos na manlaban ito sa mga alagad ng batas na aaresto sana rito sa bayan ng Surallah, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Surallah PNP ang suspek na si alyas JBoy, 40 anyos na nakorner ng mga pulis sa lugar nito mismo sa Barangay Colongulo.

Ayon sa ulat, nagpaputok ng baril ang suspek ng makaramdam ito na ang napagbentahan nito ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu malapit sa isang pampublikong sementeryo ay isa palang undercover agent ng kapulisan.

Si alyas JBoy na itinuturing na high value target na nanlaban at nabaril ng kapulisan ay nagtamo ng malubha na sugat na naging sanhi ng kanyang agad na paglisan sa mundo.

Nakuha naman sa pinangyarihan ang isang 38 revolver at 3 na basyo ng bala nito at nakuha rin sa katawan ng nasabing suspek ang 8 pa na sachet ng suspetsadong shabu.