Pinaglalamayan na ng mga nagdadalamhating kaibigan at mga kaanak ang isang sundalo ng 39th Infantry Battalion mayapos na masangkot ito sa aksidente sa Bansalan Davao del Sur habang pauwi sa Cotabato Province.

Kinilala ang bayaning sundalo na si Cpl. Winston John Cervera na mas kilala sa alyas na Balong at 32 taong gulang at residente ng bayan ng Magpet. Nagsisilbi si Cpl. Cervera bilang sundalo ng 39th IB na nakabase sa bayan ng Makilala.

Base sa impormasyong nakuha ng Star FM News Team, pauwi na ng probinsya ng Cotabato ang sundalo gamit ang kanyang CRF motorcycle nang mabangga ito ng panel truck ng softdrinks delivery.

Malubhang sugat ang tinamo ni Cervera dahilan upang macomatose ito sa isang ospital sa lungsod ng Digos ngunit binawian din ito agad ng buhay.

Naulila ni Cpl. Cervera ang tatlong anak at maybahay nito.