Aabot sa siyamnapu (90) na milyong piso ang halaga ng iligal na droga na na nasabat ng PDEA Region 5 sa dalawa na residente ng Maguindanao Del Norte sa ikinasang buy-bust sa Matnog Port Compound, Barangay Caloocan sa Matnog, Sorsogon.

Sa ulat, kinilala ang mga suspem na sina Arshad Kabihan at Jehamin Tato na taga Maguindanao Del Norte.

Sinasabing bago pa lamang na identified bilang High Value Individuals ang dalawa kung saan 18 kilo ng shabu ang nakuha mula sa mga ito.

Nahaharap naman ngayon ang dalawa sa kalaboso at nakapiit na sa PDEA Region 5 Jail Facility.