Sugatan ang isang motorista matapos na makasalpok ito ng isang traysikel sa kanto ng DBM sa Barangay Morales sa lungsod ng Koronadal.

Nag-overtake diumano sa isang sasakyan ang isang motorista na lulan ng isang Bajaj Motorcycle ng masalpok nito ang isang traysikel na papasok na sa kanto.

Dahil sa nangyari, malalang sugat sa braso ang tinamo ng drayber at naisugod naman ito sa hospital.

Nasa kustodiya na rin ng kapulisan sa lungsod ang mga naturang sasakyan habang iniimbestigahan ito.