Hindi na umabot pang buhay sa pagamutam ang isang lola na nabiktkma ng hit and run sa National Highway ng Barangay Cuyapo sa bayan ng Tantangan, Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng kapulisan ang biktima na si Nanay Arelia Casco, 74 at residente din ng baranggay. Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na si Casco ay nabangga ng isang metallic orange na Nissan Navarra na nahagip sa CCTV footage ng checkpoint ng kapulisan.

Tumatawid ang naturang lola ng mabundol ngunit imbis na huminto, nagpaharurot pa ito at nakadamay pa ng isang Vios na minamaneho naman ni Doroteo Torres na taga bayan ng Tupi at maswerteng walang kagalos galos.

Dahil dito, nakatimbre na sa lahat ng police units ang nakahit and run na pick-up. Dagdag pa ng pulis, mas mabuti na sumuko na lamang at makunsensya ang suspek sa ginawa nitong perwisyo at nagdulot pa ng kamatayan sa kapwa.

Photo for illustration purposes only.