Sa nakakagulat na paraan isinumite ni Incumbent Cotabato City Councilor Jay Guiani ang kanyang kandidatura bilang bise-alkalde ng Cotabato City.

Ginawa ni Guiani ang pagsusumite ng kandidatura via representative nito na si Atty. Jarissa Guiani kaninang umaga sa SKCC sa BGC grounds.

Makakatambal nito ang kanyang tiyahin na si Former City Mayor Cynthia Guiani sa Team Guiani ng Nationalist Peoples Coalition.

Siya na ang ikatlo na aspirante sa pagkabise alkalde sa lungsod, una na si Kap Bimbo Ayunan Pasawiran ng SIAP at si Kapitan Johair Madag ng UBJP.