Tigok ang isang miyembro ng BPAT habang sugatan ang anim kabilang ang isang miyembro ng pulisya at empleyado ng munisipyo matapos na masangkot sa tensyon ang dalawang grupo sa Shariff Aguak Municipal Hall kahapon, Martes.
Saktong huling araw ng paghahain ng kandidatura ng mga kakandidato sa nasabing bayan nang maganap ang tensyon.
Sa tala ng kapulisan, kinilala ang nasawi na si alias Baguinda na miyembro ng BPAT sa MB Poblacion sa nasabing bayan habang sugatan naman sina PCpl Montasir Eskak, alyas Saddan Taguigaya, alyas Morsid Pendulat, isang empleyado ng munisipyo at dalawa pang iba.
Nagumpisa sa batuhan, komosyon at nauwi na sa barilan ang tensyon na idinulot ng mga tagasimpatiya ng dalawang kandidato ng maganap ang insidente.
Sa ngayon, matapos na pumagitna ang kapulisan at militar ay naibalik na sa normal ang lugar at agad naman na nailipat sa COMELEC BARMM ang filing area para sa bayan matapos ang insidente.