Nagpasalamat si Former PRO BAR Regional Director BGen. Prexy Tanggawohn sa suporta ng mga kawani ng kapulisan at mga tropa sa Police Regional Office BAR matapos na mapalitan na ito sa pwesto ni PBGEN Romeo Macapaz.
Ayon sa kanya, isang malaking pasasalamat ang kanyang ibinabahagi sa mga nakasama nito sa loob ng kanyang panunungkulan sa rehiyon sa loob ng anim na buwan.
Inaasahan din ng dating hepe ng rehiyon na gagawin din ng mga ito ang kahalintulad na suporta sa kanyang naging kapalit na si Macapaz.
Nagpasalamat din ito sa mga mamamayan ng Bangsamoro na naniwala at nagtiwala sa kanyang kakayahan na pamunuan ang pulisya sa rehiyon sa nakalipas na mga buwan.