Binisita ng ilang mga tagapagtaguyod at tagapagtangkilik ang thanksgiving kanduli ng pamilya Mastura sa pangunguna ni Mayor Datu Tucao Mastura na ginanap sa Alnor Convention Hall nitong weekend.

Kabilang sa mga dumalo ang mga kaalyado nitong mga alkalde sa probinsya.

Present din si Maguindanao Del Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura sa nasabing kanduli.

Ayon kay Mayor Tucao, ang naturang kanduli ay simbulo ng kanilang mataos na pagkakaisa at bukas palad naman ito sa lahat ng makikipagkaisa upang maging maunlad at mabago ang pamayanan.

Nagpasalamat din ito sa mga partidong LAKAS CMD, PFP at UBJP sa mataos puso naman nitong pagbibigay suporta sa kani-kanilang mga kandidatura.