Kulong sa kasong Murder at Direct Assault ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa lebel na pang siyudad matapos na magkatuwang itong hulihin ng Tracker Team ng Police Station 4 ng Cotabato City Police at Sultan Kudarat Municipal Police sa Sitio Luya, Baryo Bulalo Sultan Kudarat Maguindanao del Norte kahapon ng madaling araw.

Walang piyansang kakaharapin para sa kasong murder ang suspek na may arrest warrant galing RTC Branch 27 sa Cotabato City habang ang Direct Assault naman na nasa sala ng MTCC Cotabato City ay may piyansang aabot sa P36,000.00.

Nasa custodiya na ng Presinto Kwatro ang suspek habang hinihintay na ma issue ang Commitment Order para rito.