Sinimulan na ng DSWD sa rehiyon 12 ang pamimigay ng 4th Quarter senior citizens social pension.
Sinimulan na ito sa Cotabato maging sa Sarangani Provincr ng ahensya.
Ayon kay DSWD 12 Regional Director Loreto Cabaya Jr., naghahanda na rin para sa payout ang mga lalawigan ng Timog Cotabato at Sultan Kudarat.
Via fund transfer gagawin ang pay-out ng naturang social pension ayon sa ahensya.
Payo naman ng ahensya na kung may mga katanungan ay maaring dumulog sa kanilang LGU o sa OSCA ng kanilang barangay o bayan na nakakasakop sa kanila.