Dalawang katao ang sugatan matapos barilin ng mga di pa tukoy na suspek sa Barangay Pagagawan, Datu Montawal sa Maguindanao Del Sur kahapon.

Nakilala ang mga biktimang sina Noraida Salakub, 59 na residente sa Sitio Ababon, Fort Pikit, Pikit North Cotabato habang di pa tukoy ang identidad ng isa pa.

Naisugod naman ang mga ito sa pagamutan habang iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril dito.