Nakapamerwisyo si Bes!

Yan ang ilang kumentaryo ng mga nadismayang komunidad sa ilang bayan sa lalawigan ng Cotabato matapos na magkaroon ng unannounced power interruption noong Biyernes matapos na pumulupot ang isang ahas sa kable ng poste.

Base sa ulat ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco, nadiskubre nila ang pumulupot na ahas sa kanilang tinatawag na Structure 050 sa bulubunduking bahagi ng Meohao sa lungsod ng Kidapawan na naging dahilan upang magkaroon ng power interruption sa nasabing mga lugar.

Matagumpay naman na naialis ng mga tauhan ng Cotelco ang ahas at naayos naman ang nasirang wire.

Naibalik naman sa normal ng kooperatiba ang kuryente sa nasabing probinsya matapos na puluputin ni BES ang kanyang sarili sa wire.