Mistulang dalawang beses na inabutan ng kamatayan ang isang senior citizen matapos itong masangkot sa aksidente na agad nitong ikinasawi sa Crossing, Purok Twin Riverside West sa Sto. Niño, Koronadal, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Koronadal Police ang biktima na si Rey Quebete, 64 at nakatira sa Barangay GPS ng lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon na ang minamanehong motor ni Quibete ay nabangga ng nakabuntot sa kanyang motorsiklo na minaneho naman ni Arnel Tenorio na taga Barangay Cacub habang papasok sa provincial road sa Barangay Avanceña.
Dahil sa insidente, tumilapon sa kabilang linya ng kalsada si Quibete na dahilan upang mabangga naman ito ng kasalubong na traysikel na minamanehi naman ni Nasser Manibpel, 30 at taga Lutayan, Sultan Kudarat.
Dead on arrival sa ospital ang biktima matapos na magtamo ito ng mga injuries sa katawan.
Ang tatlo namang sasakyan ay agad na kinustodya sa pangangalaga ng traffic section ng Koronadal PNP habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.