Naging matagumpay ang isinagawang ulat sa bayan o State of the Municipality Address ni Sultan Kudarat Town Mayor Datu Tucao Mastura kahapon sa bulwagan ng Sangguniang Bayan sa Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte.

Dumalo sa nasabing SOMA ang konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Datu Shameem Biruar Mastura maging ang mga pinuno ng mga departamento sa nasabing bayan. Dumalo din ang mga bisita mula sa provincial at sa regional level sa nasabing SOMA.