Nalambat ng mga kapulisan sa kanilang operasyon kontra smuggling ang apatnaput dalawang kahon ng mga puslit na sigarilyo habang nagsasagawa ito ng checkpoint sa barangay Nituan, Parang sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Kinilala ng parang pnp ang nahuli na si alyas mark, 28 at taga bayan ng Malabang, Lanao Del Sur.
Nahuli ito sakay ng kanyang puting multicab at nang maharang ito, nakita ng mga kapulisan ang karga nitong kontrabando na walang kaukulang papel o dokumento.
Nanguna sa operasyon ang regional deu kung saan aabot sa 1.18 million pesos ang halaga ng kontrabandong sigarilyo.
Kulong ngayon ang suspek sa Parang PNP para maharap sa kasong isasampa sa kanya sa husgado.