Handa na ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa nalalapit na Unang Bangsamoro Parliament Elections sa 2025. Ito ang naging tugon ni UBJP Spokesperson Engr. Mohajirin Ali sa mga mamamahayag ng matanong sa preparasyon ng partido sa darating na eleksyon.
Aniya, full blast at tuloy tuloy ang ginagawang kahandaan ng UBJP para sa Parliamentary maging sa lokal na halalan.
Bagamat may mga ilang umuugong na balita ng pagpapaliban ng BPE sa rehiyon, rerespetuhin aniya ng partido ang magiging desisyon ng pamahalaan hinggil sa usapin at hiling din nito ang pagtuloy ng unang halalang parliamentaryo sa 2025.
Matuloy man o hindi, iginiit naman ni Spokesperson Ali na handa na at kasado na ang kanilang grupo sa 2025 elections.