Nalulungkot na nababahala ang bise gobernador ng Maguindanao del Sur na si Datu Nathaniel Midtimbang sa nagiging sitwasyon ng iligal na droga sa probinsya.
Ipinunto ni Midtimbang ang pagamin ng isang drug courier na si Kenny Boy Canasas na mula pa sa lungsod ng Digos na marami itong beses na kumuha ng droga sa bayan ng Talitay na nagbunsod sa pagkakakumpiska ng 57 kilogramo ng Shabu na nagkakahalaga ng 387,000.00 sa isang SUV noong Nobyembre 8 sa Southern Leyte kung saan taga lalawigan ng Maguindanao ang may-ari ng nasabing epektos.
ahil dito nanawagan ang naturang presiding officer na maging bigilante, makipagugnayan sa autoridad at wag nang hahayaang bumalik sa dati na impestado ng droga ang bawat komunidad sa mga bayan at maging buong probinsya.