Dead on the spot ang lalaki na tinaguriang si alyas Kanto Boy matapos itong pagbabarilin sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nitong biyernes ng gabi.

Sa tala ng kapulisan, kinilala ang biktima na si Ato Agay alyas Kanto Boy, 44 at residente sa nasabing bayan at barangay.

Naglalakad lang aniya base sa imbestigasyon ng pulis ang biktima sa lugar ng may isang itim na mini van ang huminto at pinagbababaril ang biktima.

Ikinamatay nito ang ibat ibang tama ng bala sa bahagi ng katawan.

14 ba basyo ng di pa matukoy na armas ang narecover sa crime scene ng kapulisan.

Nagpapatuloy naman sa pagiimbestiga ang PNP upang matukoy ang mga suspek at motibo nito sa pamamaslang sa biktima.