Nanawagan si Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu sa publiko na manatiling kalmado at umasa lamang sa beripikado at opisyal na impormasyon kaugnay ng kumakalat na ulat tungkol sa umano’y sh**ting incident sa Isulan National High School.

Sa kanyang public advisory, sinabi ng gobernador na wala pang kumpirmadong ulat ng mga nasugatan o nasawi kaugnay ng insidente. Batay sa pinakahuling impormasyong available, ligtas ang mga estudyante at guro.

Nasa lugar na umano ang mga awtoridad at nagsasagawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang seguridad ng lahat.

Hinimok din ni Mangudadatu ang mga magulang at guardian na huwag mag-panic at hintayin ang opisyal na updates mula sa Isulan Municipal Police Station at Local Government Unit of Isulan.