Ubos sa loob lamang na 30 minutos na sunog ang ari-arian na nakapaloob sa dalawang bahay sa Purok Ramos, Barangay Sta. Cruz sa lungsod ng Koronadal kamakalawa ng umaga.

Sa tala ng BFP Koronadal, aabutin sa isang milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog. Pagmamay-ari ng pamilya Osing ang dalawang bahay na tinupok ng apoy.

Gawa sa light at kongkretong materyales ang bahay kung kaya’t mabilis itong tinupok. Inaalam pa ng BFP Koronadal ang sanhi ng sunog sabay paalala sa mamamayang magingat pang lalo upang makaiwas sa aberya na dala ng sunog.