Land conflict o away sa lupa ang maaring motibo ng pagpaslang sa vice mayoralty bet ng Tantangan, South Cotabato na si Jose Bobot Osorio ayon kay South Cotabato Governor Jun Tamayo base sa pakikipagusap nito sa mga autoridad.
Ayon sa gobernador, naniniwala ito na isolated at walang kinalaman sa magiging eleksyon sa susunod na taon ang naganap na pamamaril kay Osorio dahil wala aniyang kasaysayan o naitalang political violence sa lalawigan.
Dagdag ng gobernador, tinitiyak nito na mabibigyang hustisya ang naganap kay Osorio na ayon dito ay mahusay ang pakikisama.