Isang motorista ang nagpapagaling na sa bahay pagamutan partikular sa South Cotabato Provincial Hospital matapos na madamay ito sa banggaan ng dalawamg sasakyan sa Barangay Paraiso, Koronadal City kahapon ng hapon.
Kinilala ang nadamay na si Carlito Bigno Jr., 32 anyos at taga bayan ng Banga sa South Cotabato. Ayon sa kapulisan, papunta aniya sa direksyon ng Koronadal ang pulang hilux pick-up na minamaneho ng isang Larry Friales, 53 anyos at taga Norala nang masagi nito ang isang truck na may dalang LPG tanks na minamaneho naman ni Mark Gonzaga, 33 anyos at taga Sto. Niño na papunta naman sa direksyon ng Banga.
Mabilis aniya ang takbo ng pick-up kung kayat nawalan ng kontrol ang tsuper at nasagi ang kasalubong na truck sa kabilang linya hanggang sa magpaikot ikot ang pick-up at madamay nito sa pagkakabangga ang motor ni Bigno.
Nilinaw naman ng nagimbestigang kapulisan na kusang sumuko si Friales at hindi ito tumakas kasunod ng naging insidente.