Sapul sa banga ang isang padre de pamilya matapos itong kumagat sa pain ng drug buybust operations ng Presinto Tres umaga kahapon sa bahagi ng Sinsuat Avenue sa Malagapas, Rosary Heights 10 ng lungsod Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Ali Salilaguia Suga aka Ali, 28, padre de pamilya at residente sa lugar.

Nakumpiska sa suspek ang pakete ng pinaniniwalaang shabu na may 0.2 grams at nagkakahalaga ng 1,000 sa lebel ng bentahan at nabawi rin diro ang 2 na 500 bills na ginamit bilang bust money.

Kulong ngayon sa lock-up cell ng presinto 3 ang suspek at mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.