Nanumpa na ang 200 na mga Newly Registered Social Workers sa isang pagtitipon na inorganisa ng Professional Regulations Commission o PRC at ng Philippine Association of Social Workers Inc.
Kahapon, Lunes sa Robinsons Convention Center dito sa lungsod ng Cotabato. Kasama ang mga magulang, ang mga bagong RSW’s ay galing pa sa Cotabato City, Maguindanao del Norte at Sur at South and North Cotabato.
Naging makabuluhan naman ang naturang oath taking ng mga bagong social workers at binati naman ito ng kani-kanilang mga kaanak na nasa venue din ng naturang panunumpa ng bagong mga propesyonal.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga RSW’s dahil sila ang unang nilalapitan ng ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong at sila din ang bumabalangkas ng paraan kung paano rin matutulungan ang lumalapit sa kanila.