Bigong makadalo o no show sa hearing ng Committee Budget at Finance ng 17th Cotabato City Council ang mga ipinatawag nito na department heads at mga opisyales mula sa sangay ng ehekutibo.

Tatalakayin sana nila ang annual budget hearing ng City LGU para sa taong 2025.

Dismayado naman at naglabas ng iritasyon ang tagapamuno ng kumite na si Councilor Hunyn Abu at ang mga kasama nito na konsehales sa tila pangiisnab ng mga tanggapan sa kanilang patawag.

Di na rin ito ang unang beses na inisnab o no show ang mga department heads ng ehekutibo sa mga ipinapatawag na hearing o pulong ng Sanggunian.

Ito rin ang pinagmulan ng sigalot sa pagitan ng ehekutibo na pinamumunan ni Mayor Bruce Matabalao at sa panig naman ng lehislatura sa pamumuno naman ni Vice Mayor Butch Abu.