Matagumpay na naaresto ng mga kapulisan sa lungsod ng Cotabato ang isang ginang na may arrest warrant sa kasong pagnanakaw sa bahagi ng PC Hill sa Barangay RH 1 nitong siyudad.

Kinilala ang ginang na si alyas Juliet, nasa hustong gulang at taga bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao Norte.

May kasong theft o pagnanakaw ang suspek at may arrest warrant na galing pa sa lungsod ng Pasay at may inirekumendang pyansa na 20,000.00.

Naaresto ang indibidual sa pamamagitan ng magkatuwang na pagpupursige ng Cotabato City Police Station 3 at Station 1.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa tanggapan ng mga alagad ng batas ang ginang para sa tamang dokumentasyon at gagawin pagkatapos nitong makalaboso.