Nasawi ang isang hukom ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 ng Basilan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, dakong umaga ngayong Huwebes, Nobyembre 12, 2026.
Kinilala ang biktima na si Judge Joseph M. Wee Sit na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isinugod pa sa isang pribadong ospital ang hukom, subalit idineklara itong patay dakong alas-6:30 ng umaga.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa likod ng pamamaril.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari at mapanagot ang responsable sa krimen.

















