Isang tatlong buwang sanggol at nanay nito ang nasawi sa pananambang na naganap sa Mileb, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur kahapon ng hapon, Huwebes.
Kinilala ang nanay na si Harajinn Lumenda Utto, ang sanggol nito at isang nagngangalang Nunukan Manalindo.
Sugatan naman sa naging pananambang si Baicong Utto. Sakay ng van na puti ang mga biktima pauwi sa bayan galing sa Tacurong City ng maganap ang naturang ambush.
Posibleng nakabuntot na aniya ang mga suspek sa mga ito bago ito tambangan.
Dahil dito, hustisya ang sigaw ng pamilya ng mga napaslang.
Patuloy parin ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring pamamaslang.