Malamig na rehas ang naghihintay sa umano’y mastermind sa pamamaslang sa vlogger na si Elliot Eastman sa Sibuco, Zamboanga del Norte na una nang napaulat na nawawala noon pang Oktubre 17, 2024.

Matapos ang ilang buwang paghahanap, matagumpay na nahuli ng Police Regional Office 9 ang suspek na kinilalang si Ustadz Jakaria Jamani.

Pinaniniwalaang si Jamani ang mastermind sa likod ng pagdukot sa amerikano katuwang ang tatlo pa umano nitong kasabwat na sina Abdul Sahibad, Mursid Ahod, at Fahad Sahibad na parehong napatay ng otoridad sa engkwentro sa Kabasalan, Zamboanga, Sibugay.